ice cream
6.17.2007
10.06.2006
ice drop, para maiba
dude, kalungkot diba? ang malaman na kahit anong pagpigil pa ang gawin ko, tiny old me, hinding hindi mananatiling ganto ang buhay. hindi palaging ganyan, di palaging ganun. gets mo naman ang sinasabi ko diba? chorva. everything changes, ika nga. ultimong kuko ko hahaba at hahaba din. leche. katamad kayang maggupit ng kuko. anyway, it's a sad reality--na yung kinalakhan mong chorva hindi habambuhay na ganun. (pardon my 'chorva', take it as my variables; words for things i can't quite describe or things i can't quite put into words other than, well chorva, hehe) my mom's work for example. i never imagined her not being in that Center. i always assumed that's what she liked to do. she's very good at it. they were all good, there in that Center. and i always liked going to her office; the smell of caffiene and the photocopying machine. heaven. well for me that is. ewan. kasama na rin kasi yun sa childhood ko, twing susunduin si mama sa opis o kaya twing christmas party at kalaro ko yung mga anak ng officemates ng nanay ko, na madalas ay kasama din sa office outings. pero nagbago na. nagdalaga at nagbinata na yung mga anak ng mga ka-opisina ni mama. ngayon pa-post-post na lang ng mga daring pics sa friendster kasama ang mga boypren. astig. going back to my mother. akala ko dun na sya forever. masaya at fullfilled. eh hinde. (saka ko na ikkwento, processing palang kasi eh, nangyayari palang, ya know) i have nothing against that, naa-amaze lang ako how different the people you know can become. another example? picture this: i entered college with a set goal. a definite plan. only to know that it will take me a looooong time(2 years tops=convert to 4 semesters of free-floating along general courses) to realize what i really REALLY want in life. who cares to be called Engineer Chorva? eh what if hindi ako dun masaya? mapipilit ba nila ako na pumasa (at the least)?! so i made a mistake in choosing my course, but who doesn't? we all have a way in dealing with things like this. yung iba nakiki-ride, kahit di gusto basta maka-tapos lang. yung iba naman pinipilit gustohin yung kinuha nya kahit sukangsuka na. at yung iba, na tulad ko, di natatahimik. pag passion na ang pinag-uusapan mahirap makipaglaban. mahirap itago kung ano yung talagang gusto mo. powerful pare. dito eeksena si "change". akala mo all of a sudden hihirit siya ng New You. pero mali ka pala. Real You pala yun. yung inaakala mong pagbabago, marahil pagka-totoo lang pala yun talaga. change is a good thing. always for the better. ows. di nga. i refuse to believe that. ito ang ididikit ko sa kukote ko: hindi yan pagbabago per se. actually, parte na yan ng tao na nag-aabang lang na magpakita. anjan yan sa loob ng bawat isa, naghihintay ng tamang oras, ng tamang tiyempo. bumebuwelo ba. tapos pag anjan na yung timing na hinihintay ng so-called "change" na yan, big time. yun bang mamamahay ka all over again. nakakapanibago. BAGO. pero hindi bago eh. yung nga ang sinasabi ko, one way or another dati mo pa ginusto o inisip itong chorvang ito. walangya naman, hirap i-eksplika. titigil na ko, baka mabato pa ko ng kamatis. masasabi ko lang... explore. tignan mo ko ngayon, natataranta, too late kasi dumating ang pagbabagong hinintay ko. i didn'tknow there were so much more in store.3.27.2006
golden nangkasoy treat
- birthday ni kuya kahapon, and of course birthday parties should always come with pizza and ice cream... (our style) and my mom, as always, suddenly thought of being experimantal. 'golden nangkasoy' hmmm... di maipinta ang lasa, although it tastes good.
- mejo may nakikita na akong light sa dulo ng tunnel. pero malabo. marami pang hadlang pero with the help of my crazy friends and my ctitic of a family, kaya ko to. grrrr... sana pag-inadjust ang oras sa relos ko pati panahon babalik.
- sana mga bandang summer of 2004 pwedeng balikan yung batang babaeng nanunuod ng tv at sarap na sarap sa buhay nya. sana napagsabihan ko yung sarili ko ng "mag-aral ka karla ayokong umulit ng math 17!"
- sana nung bandang august ng 2004 habang nag-aabang sa pila ng mga magu-upcat, sana nakalabit ko ang sarili ko at pabulong na sabihing "galingan mo, kahit anong mangyari tapusin mo yung reading comprehension para madali kang makakapagshift sa film!"
- sana nung day before grad ko nung hs di nalang ako sumama kay patty sa galle. "karla gusto mo bang maghintay ang pamilya mo sa labas ng school mo habang umuulan dahil lang wala silang invitaion at di maka-pasok?" or kung sumama man ako "karla itago mo na yung invitations, wag mo nang ipapahawak kay patty kasi male-late sya bukas!"
- sana nung 1st sem ng college ko nasigawan ko na ang sarili ko "karla alam kong gusto mong lumipat ng course.. galingan mo ngayon! kahit 13 units lang ipasa mo basta pasa! made-delay ka sa pagshift at lalo ka lang tatagal sa elbi!"
- sana nung start ng 2nd sem nalaman ni karla na "ayaw mo sa course mo. para makalipat bawal maggago!"
- pero walang karla from the future para sabihin ang consequences ng pagbubulakbol ko. kaya nasa akin yun kung gusto ko. e problema ayaw ko.
- haaay karla, tama na. galingan mo na nga. eto pag ginalingan mo ililibre kita ng sorbetes. isang gallon! at sinisiguro ko sayo na kasinsarap ng golden nangkasoy ang feeling pag mataas ang gradong pinaghirapan mo.
3.24.2006
i'm running out of comfort food
BAKIT???...pag hinahanap ko di ko makita?
...pag may gusto akong sabihing importante walang nakikinig?
...pag binigyan ako ng double dutch, naghahanap ako ng coffee crumble?
paki-explain... kasi napipiga na ang brain cells ko(kung meron man) kai-isip sa mga problema ko. walang solusyon kasi di ko mahanapan. humingi man ako ng tulong sa iba, wala silang mabibigay dahil masayado silang pre-occupied at kuntento sa mga perfect nilang buhay. o sige para fair, may mga problema din sila. pero bukas, makalawa masaya na sila. parang walang nangyari. tumutulong naman ako sa kanila pag kelanagan nila ng tulong. pero pano ako? tingin ko lang... di na yung problema ang problema ko. ako na yung may problema, hindi yuhng problema ko. nakakasakay ka pa ba sa kabaliwan ko? ha? ugali ko na ang mali. masyadong matigas ang ulo ko. wala nakong sinasanto... ni singko. kahit mga kakambal nitong resulta di ko na iniinda. ang nangyayari tuloy patungpatong na sila. palaki nang palaki. palala nang palala. mukhang wala lang sakin pero sa luob-loob ko extremes na ang tumatakbo sa utak ko. pakiramdam ko kasi walang solusyon. parang isang equation with an empty solution set. kahit pa paikut-ikot ka, kahit iba-iba pang technique o theorem ang gamitin mo wala kang makukuha.
pero ang tanong ko, bakit?
kasintigas ng ulo ko ang isang pint ng buko-melon na tinubuan na ng ugat sa loob ng freezer(kung posible man yun).
matagal pa ba bago ka magbabago? kelan ka matatauhan, ha? gisingin mo nalang ako pag natuto ka na, naiinip na ko at inaantok.
10.18.2005
my first ice cream
it's nice to be back to the addiction(blogging, that is). i do hope this lasts 'cause i have a tendency to be too lazy to write what i do everyday. so here goes...but before that, hehe.. i'll fix muna my blog to make it more presentable and more like 'my' blog.
so sit tight. cool ka lang.
ice cream oh. =)
