i'm running out of comfort food
BAKIT???
...pag hinahanap ko di ko makita?
...pag may gusto akong sabihing importante walang nakikinig?
...pag binigyan ako ng double dutch, naghahanap ako ng coffee crumble?
paki-explain... kasi napipiga na ang brain cells ko(kung meron man) kai-isip sa mga problema ko. walang solusyon kasi di ko mahanapan. humingi man ako ng tulong sa iba, wala silang mabibigay dahil masayado silang pre-occupied at kuntento sa mga perfect nilang buhay. o sige para fair, may mga problema din sila. pero bukas, makalawa masaya na sila. parang walang nangyari. tumutulong naman ako sa kanila pag kelanagan nila ng tulong. pero pano ako? tingin ko lang... di na yung problema ang problema ko. ako na yung may problema, hindi yuhng problema ko. nakakasakay ka pa ba sa kabaliwan ko? ha? ugali ko na ang mali. masyadong matigas ang ulo ko. wala nakong sinasanto... ni singko. kahit mga kakambal nitong resulta di ko na iniinda. ang nangyayari tuloy patungpatong na sila. palaki nang palaki. palala nang palala. mukhang wala lang sakin pero sa luob-loob ko extremes na ang tumatakbo sa utak ko. pakiramdam ko kasi walang solusyon. parang isang equation with an empty solution set. kahit pa paikut-ikot ka, kahit iba-iba pang technique o theorem ang gamitin mo wala kang makukuha.
pero ang tanong ko, bakit?
kasintigas ng ulo ko ang isang pint ng buko-melon na tinubuan na ng ugat sa loob ng freezer(kung posible man yun).
matagal pa ba bago ka magbabago? kelan ka matatauhan, ha?
gisingin mo nalang ako pag natuto ka na, naiinip na ko at inaantok.