3.27.2006

golden nangkasoy treat

  • birthday ni kuya kahapon, and of course birthday parties should always come with pizza and ice cream... (our style) and my mom, as always, suddenly thought of being experimantal. 'golden nangkasoy' hmmm... di maipinta ang lasa, although it tastes good.
  • mejo may nakikita na akong light sa dulo ng tunnel. pero malabo. marami pang hadlang pero with the help of my crazy friends and my ctitic of a family, kaya ko to. grrrr... sana pag-inadjust ang oras sa relos ko pati panahon babalik.
  • sana mga bandang summer of 2004 pwedeng balikan yung batang babaeng nanunuod ng tv at sarap na sarap sa buhay nya. sana napagsabihan ko yung sarili ko ng "mag-aral ka karla ayokong umulit ng math 17!"
  • sana nung bandang august ng 2004 habang nag-aabang sa pila ng mga magu-upcat, sana nakalabit ko ang sarili ko at pabulong na sabihing "galingan mo, kahit anong mangyari tapusin mo yung reading comprehension para madali kang makakapagshift sa film!"
  • sana nung day before grad ko nung hs di nalang ako sumama kay patty sa galle. "karla gusto mo bang maghintay ang pamilya mo sa labas ng school mo habang umuulan dahil lang wala silang invitaion at di maka-pasok?" or kung sumama man ako "karla itago mo na yung invitations, wag mo nang ipapahawak kay patty kasi male-late sya bukas!"
  • sana nung 1st sem ng college ko nasigawan ko na ang sarili ko "karla alam kong gusto mong lumipat ng course.. galingan mo ngayon! kahit 13 units lang ipasa mo basta pasa! made-delay ka sa pagshift at lalo ka lang tatagal sa elbi!"
  • sana nung start ng 2nd sem nalaman ni karla na "ayaw mo sa course mo. para makalipat bawal maggago!"
  • pero walang karla from the future para sabihin ang consequences ng pagbubulakbol ko. kaya nasa akin yun kung gusto ko. e problema ayaw ko.
  • haaay karla, tama na. galingan mo na nga. eto pag ginalingan mo ililibre kita ng sorbetes. isang gallon! at sinisiguro ko sayo na kasinsarap ng golden nangkasoy ang feeling pag mataas ang gradong pinaghirapan mo.