tanginang mangga
ngayon bumabalik sakin kung bakit ko gusto sa lb.
dun ako bumuo ng individuality, at tagumpay ko itong nagawa--may mga kaibigan ako na kahit hindi pare-pareho ay kilala ang tunay kong pagkatao. dito ko hinubog ang mga paniniwala ko maging ang mga ugali ko.
walang nagsasabi sakin ng mga bagay na dati ko nang alam. walang nangungulit. walang nagmamarunong. walang patuloy nagpapanggap na kabisado ang kilos ko.
higit sa lahat, dito ako nagkaron ng kumpyansang maniwala na may makikinig sakin. dito ko nalaman na may katuturan ang mga sinasabi ko. dito ko naintindihan na hindi ka dapat basta-basta nagpapatalo dahil lang mas matanda ang kausap mo.
bago ako tumuntong doon, nasanay akong mabalewala. hindi ako sineseryoso. kahit na mas may katuturan ang sinasabi ko.
hindi dahilan ang mas nakatatanda mong edad para ituring mo kong tanga sa harapan mo at sa harap ng ibang tao.
ilapat mo ang mga paa mo sa lupa. hindi mo ako kilala.
<< Home